Consolidated Growth through Education

Naging instrumento ang Sintang Paaralan sa patuloy na pag-unlad ng kabataan bayan. Sa katunayan, ang mga nagsisipagtapos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang paboritong kinukuha agad sa trabaho ng mga korporasyon.1 Pinapakita nito na ang Sintang Paaralan ay instrumental sa paghubog ng kakayahan ng mag-aaral para sa kanyang hinaharap. Sa katunayan, isang mural na matatagpuan sa Sintang Paaralan ang nagpapakita ng pagnanasa ng kabataan na paunlarin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral.

 

Brass Mural at PUP Main Gate Taken from: PUP website

 

Ang mural na ito ay pinamagatang Consolidated Growth through Education na nililok  ng dakilang eskultar na si Eduardo Castrillo noong 1974.2 Yari sa tanso, ito ay may sukat  na 2.5 at 9.3 metro.3 Matatagpuan ang mural na ito sa harapan ng Sintang Paaralan. Ang  mensahe ng mural na ito ay ang papel ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa  pagkahubog ng mga mag-aaral. Pinapakita rin nito ang ambag ng kabataan sa patuloy  na pag-unlad ng bayan. Sa madaling sabi, ang pag-aaral sa loob ng Sintang Paaralan ay  nag-iiwan ng marka na siyang magagamit ng kabataan para sa kanyang hinaharap. 

 

 

PUP Pylon stamp artwork for the Sintang Lakbay bike ride by Ara Alejo

 

Bagaman hindi tumuntong sa Sintang Paaralan si Eduardo Castrillo ay makikitaan naman ng repleksyon ng kanyang buhay ang ginawang mural. Pinanganak noong 1942,  naging mahirap ang kabataan ni Castrillo. Ngunit sa kabila nito, nakitaan agad siya ng  angking galing sa sining.4 Ang kanyang pagkahilig sa paglililok ang siyang nagdala sa  kanya sa kaunlaran. Ilan sa mga tanyag niyang gawa ay ang Monumento ng Himagsikang  EDSA sa Lungsod Quezon at ang Dambana ni Andres Bonifacio (kilala rin bilang Kartilya  ng Katipunan) na nasa harapan ng Bulwagang Panlungsod ng Maynila.5 Dahil sa  kanyang angking galing sa paglililok ay nakatanggap siya ng mga gantimpala tulad ng  Araw ng Maynila Centennial Award at Republic Cultural Heritage Award. Hindi lamang pagkatuto para sa trabaho ang iniaalay ng Sintang Paaralan. Kanya ring  hinuhubog ang kamalayan sa lipunan ng kanyang mga mag-aaral. 

 

Brass Mural at PUP Main Gate Taken from: PUP Official Facebook page

 

Ang patunay rito ay ang Dambana ng Kabayanihan na itinatag sa Sintang Paaralan.  Pinasinayaan ito Pamahalaang Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng programang  “Buhayin ang Maynila” noong 2006 sa ilalim ng pamumuno ng dating alcalde na si Jose  Atienza.7 Nakasaad sa Dambana ang naging papel ng mga mag-aaral ng Sintang  Paaralan at mga Manileño sa pagtamasa ng kalayaan at demokrasya laban sa rehimeng  Marcos.8 Pinatutunayan ng Dambanang ito na malaki ang papel ng Sintang Paaralan sa   paghubog ng kaisipan ng mga kabataan para sa dapat na makamtang pag-unlad ng ating  bayan. 

Ang mga likhang sining na ito na inialay sa Sintang Paaralan ang siyang nagbibigay  ng lakas sa mga kawani nito upang magpatuloy sa paghubog ng kabataan at bayan. Ang  Mural at Dambana na itinatag sa Sintang Paaralan ay patunay na hindi ito tumigil sa pag aalay sa kabataan. At panghuli, ang higit pa sa isang siglo na buhay ng Sintang Paaralan  ang siyang mensahe nito sa lipunan na siya ay hindi titigil kailanman na magpalaganap  ng karunungan para sa bayan.

Bilang isang politeknikong unibersidad, makikita sa mural ang pagtatalaban ng iba-ibang mga larangan at disiplina sa akademya – kapansin-pansin ang gear na sumisimbulo sa mga inhinyero, ang mag-aaral na nagbabasa ng libro, ang isang tao na may hawak na maso na sumisimbulo sa lakas paggawa, at sa gawing kanan ay ang nilalayong tunguhin – ang pagpapaunlad sa mga industriyang makatutulong sa pag-angat ng bansa. Dito sa gawa ni Castrillo ay maaaring mapagbulay-bulayan na hindi magkakakumpetensya ang iba-ibang disiplina sa Pamantasan, bagkus ay pawang magkaka-ugnay sa gampanin upang i-angat ang Bayan. 

PUP Pylon 

Jonel N. Cañeso

PUP Pylon Image Source: Wikimedia

 

Malaki ang naging papel ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o PUP sa pag- papaunlad at paghubog ng kaisipan ng mga mag-aaral nito para sa kanilang kinabukasan. Kaya isa sa naging pagpapakilala dito ng mga mag-aaral at mga alumni ay ito ang “Pamantasang Utak ang Puhuhan. Sapagkat, isa ang PUP sa nagbibigay ng dekalidad at libreng edukasyon para sa lahat ng nais na makapag-aral dito. Hindi lang sa aspekto na ito natatapos ang pagkakakilanlan ni PUP, maging sa mga simbolo at istruktura na naitayo sa loob at labas ng pamantasan ay kasama rin. Isa na nga dito ang mural na ginawa ng tanyag nag manlililok na si Eduardo Castrillo noong 1974. Makikita ang mural na ito sa main gate ng PUP – Mabini Campus na nagpapakita ng papel at responsibilidad ng mga kabataan o iskolar ng bayan sa pag- unlad ng bayan.1 Makikita naman sa tapat ng mural ni Castrillo ang isa sa kilalang istruktura na sumisimbolo din sa PUP, ang PUP pylon. Hango ang salitang pylon sa Griyego na pulṓn at nangangahulugan bilang tarangkahan o gateway. Matatagpuan sa Main Gate ng PUP at katapat ng mural ni Castrillo, isa ito sa mga unang makikita ng mga bibisita sa Sintang Paaralan. Kung hindi man nagsisilbi bilang tambayan o meeting place ng mga estudyanteng naghihintayan bago pumasok sa Pamantasan, nagsisilbi rin itong landmark at madalas na ginagawang post sa social media – patunay na nakarating na nga sila sa PUP.
Magkakasabay na natapos at pinasinayaan noong 1974 ang Pylon, ang Brass Mural ni Castrillo, at ang noo’y Gymnasium ng PUP. Ang mga ito ay bahagi sa pagnanais ng noo’y pamunuan ng pamantasan upang bumuo ng isang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagsasaayos sa pasilidad at mga imprastraktura sa loob ng Mabini Campus.

 

PUP Pylon Taken from: PUP website

 

Yari sa marmol ang naturang pylon at sa umpisa ay sumisimbolo sa tatlong bagay: ang totoo, ang mabuti, at ang maganda (the true, the good, and the beautiful). Gayunman, ang tatlong halagahing ito ay madalas na iniuugnay ni Imelda Marcos, asawa ng noo’y pangulo at diktador ng Pilipinas, Ferdinand Marcos Sr. Naging kilala rin ito sa katagang “Triad of Pillars”, na naging haligi para sa mga ideya ng karunungan, kalakasan at kagandahan.3 Nang lumaon, pagsapit ng 1987, ang pylon ay sumisimbolo na sa kung ano ang ipinaglalaban ng pamantasan: ang katotohanan, ang kagalingan, at ang karunungan. Sa kasalukuyan, marami nang mga bagay at gawain ang nakadikit sa pangalang PUP PYLON. Isa na nga rito ang tanyag na Pylon Run na isinasagawa ng Alpha Phi Omega Fraternity PUP Chapter sa taunang selebrasyon ng pagkakatatag ng PUP, kung saan ang mga frat members nito ay tumatakbo na naka hubo’t hubad, may talukbong ang mukha, at may dala- dalang mga placard na naglalaman ng mensahe bilang kanilang pakiki-isa sa laban ng mga iskolar ng bayan. Sa larangan naman ng E-Sports, may nabuo namang team ang PUP na kinabibilangan ng mga mahuhusay at magagaling na manlalaro na mula rin sa pamantasan. Ito ang Pylon Esports na ilang beses na din gumawa ng kasaysayan sa larangan ng E-sports. Isang patunay lamang ito na isinasabuhay ng mga Iskolar ng Bayan ang sumisimbolo sa pylon; ang katotohanan, ang kagalingan, at ang karunungan.

 

 

Mga Sanggunian:
BusinessMirror. “Atienza Gets Highest Honor from Manila.” BusinessMirror, June 23,  2023. https://businessmirror.com.ph/2023/06/23/atienza-gets-highest-honor from-manila/.
Cahiles-Magkilat, Bernie. “PUP Remains Employers’ Top Choice — Survey.” Manila  Bulletin, June 29, 2023. https://mb.com.ph/2023/6/29/pup-remains-employers top-choice-survey.
Daoana, Carlomar Arcangel. “Ed Castrillo: Maker of Monuments and Moments.”  Philippine Star, May 23, 2016. https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and culture/2016/05/23/1585887/ed-castrillo-maker-monuments-and-moments.
David, Dale Dennis, Ma. Julie Tañada, Edna Co, Lucio III Pitlo, Ones Cuyco, Lloyd  Bautista, and Rudy Brul. Filipino Pride. Manila: Filipino Matters Publishing, 2009.  https://www.filipinomatters.org/filipinopride/PDF/Filipino%20Pride%20Lite%20Ver sion.pdf.
De Guzman, Sara Soliven. “Yesterday’s Dream Still Seems so Far Away.” Philippine  Star, February 23, 2009. https://www.philstar.com/opinion/2009/02/23/442415/yesterdays-dream-still seems-so-far-away.
Philippine Star. “Ed Castrillo: Icon and Iconoclast.” Lifestyle by Philippine Star, April 28,  2012. https://www.philstar.com/lifestyle/modern-living/2012/04/28/801039/ed castrillo-icon-and-iconoclast.
Polytechnic University of the Philippines. “Logo and Symbols.” Polytechnic University of  the Philippines, 2021. https://www.pup.edu.ph/about/logosymbols.
Al, Jocelyn a Et. “In Search of a Brand for a Higher Education Institution Through Its Architecture: The Case of the Polytechnic University of the Philippines,” April 28, 2021. https://turcomat.org/index.php/turkbilmat/article/view/4240.
Rivas, Argen, John Adrianfer Atienza, Danica Dela Paz, and Nikko Jay Ramos. Kasaysayan Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas. Quezon City, Philippines: Bagong Kasaysayan
Inc., 2019.

Sintang Lakbay is a historical walk and bike ride to promote inclusive mobility by facilitating active interaction with urban landscapes, restoring working-class memory in national history, and mobilizing public contributions to remembering through art and research. It is a collaborative project by The Polytechnic University of the Philippines, 350 Pilipinas, and the Constantino Foundation

FacebookTwitter